Mabuhay si Pacman.

May 3, 2009

Late ako umalis kaninang umaga dahil alam kong wala masyadong sasakyan sa lansangan, laban na kasi ni Pacquaio at Hatton. Dala na rin ng kamalasan ay nalate pa rin ako ng kalahating oras dahil piyesta pala. May nagpapaputok sa daanan ng mga dyip, at dyaskeng mga pulis at traffic enforcer, tuwang tuwa sa kakapanood ng paputok. Mga salot nga naman sa mundo.

Kahit na hindi ako mahilig sa boksing, gusto ko mapanood kung ano ang kahihitnan ng “Battle of the East and West”. Sa mahabang salita ay laban ng mga asyanong kalimitang minamaliit at mga kanong hindi napapansing nangmamaliit. Hindi ako kampi kay Pacman, kasi ang gulo niya. Akala ko dati ABS-CBN na ipapalabas kasi lumipat na siya, pagkatapos naging GMA ulit. Maaari din ang dahilan na gusto ko lang din makita na matalo siya, lagi naman kasi siyan panalo. Isang undercard pang laban bago ang laban nila, nagtext na ang lolo ko na talo si Hatton sa second round pa lang. Atat na atat na akong makita kung bogus lang ba ang lolo ko o napakagaling talaga ni Pacman, pero dahil sa malulugi ang GMA ay tinadtad nila ng commercial yung channel nila. Huhuhuhu.

Mabuhay si Pacman, magaling talaga siya.. at super yaman. ;)

Nais ko lamang magkuwento. :D

May isang buwan na siguro yung huling blogpost ko. Pumunta kasi kami sa pitong bansa, isa sa bawat kontinente, dahil nanalo yung nanay ko sa premyo sa resibo kahit na isang buwan na rin siyang hindi tumataya doon. Puwede ka ring maniwalang nagpakabulok lang ako sa bahay, nanonood ng pirated dvd at humilata ng buong araw. Isama pa ang paghahatid sundo sa kapatid ko sa maganda-at-mamimiss kong skwela, bawal kasi siyang magcommute dahil baby pa raw siya. Asus!

Ang kabalintunaan nga naman ng buhay, kung kelan walang ginagawa ay doon pa tatamaan ng lintik na katamaran para hindi magsulat tungkol sa napakaganda at makabuluhan kong buhay.

Naisipan lang magtype ng kung ano para pagpagin ang sandamakmak na alikabok sa blog ko. Kbye.

Summer bummer. HAHA.

March 28, 2009

Kung nakakatamad kapag may pasok, pano pa ngayong summer? Jusme.

Noong may pasok, atat na atat makauwi agad para gumawa ng homework o magpanggap na walang homework para lang maka-upo sa harap ng computer at mag-INTERNET. Ngayon, dumaan na ang graduation, hindi pa rin ako sinipag gumawa ng kung anong blogpost dahil nagsawa na ko kakaharap sa computer. Wala na rin akong magawa dahil a.) Nilalangaw na yung friendster ko, b.) Nagsawa na mangumusta at sabihin sa mga batchmates kong namimiss ko sila, at c.) Sumasakit lang ng sobra yung mata ko. Ang dami kong balak gawin ngayon pero wala pa kong nasisimulan. Goodluck naman.

Hindi ko alam kung anong meron sa Summer at nasobrahan ako sa pagkabatugan. HUHU.

Utak alimango.

March 17, 2009

Nakakaasar.

Hindi ko pa rin naiintindihan bakit ginawa yun, kahit hindi sa ‘kin ginawa. Affected na kung affected pero nakakayamot yung ganun eh. Hindi ko alam kung anong napakalaking problema meron yung mga tao ngayon.

Isang gintong aral:
Kapag nasa ibaba ka na, mahiyang hilahin ang ibang nananahimik paibaba. Try natin gawin sa’yo, matutuwa ka?

Ikukuwento ng manunulat ang kanyang karanasan sa araw na pinakahihintay ng mga estudyanteng ga-gradweyt ng mataas na paaralan.

Adventure bago ang pinakaaabangang Seniors’ Dance:
Pumunta sa David’s Salon sa pagbabakasakaling magawan nila ng kung anong milagro ang napaka-iksing buhok ko. Habang nakaupo sa itim na revolving chair, pinagtulungan at pinahirapan ako ng mga taong itatago natin sa mga pangalang Sadistang Manikurista, Magaling na Hairstylist, at ang Boyfriend ni Hairstylist na assistant niya. Habang inaayusan ako ni BF ng buhok na hindi niya magawang patayuin kahit ubusan ang hairspray, Pinadugo ni SM ang kuko ko sa paa. Nilalagyan ako ni HS ng lipstick nang masahiin ako ni SM sa pumutok kong ugatĀ  at hindi ko man lang nagawang pumalag at umaray. Ikinagulat ko ng lubos nang ako’y ahitan ng kilay ni HS dahil wala ‘yun sa plano ko (Huhu!), pero love ko siya. Ang ganda ng buhok ko e, kasi pinagtulungan nila ni BF niya habang naglalandian sila.

Seniors’ Dance:
Maganda lahat nang pumunta, kahit di lahat nakita ko. Masaya ako kasi maganda ako ‘nun, hindi pogi. Haha! Sa kabila ng matumal na daloy ng program dahil lahat ay nagdadaldalan lang, masaya ang buong okasyon. Pinatay man kami ng sapatos namin at murahin ng sarili naming mga paa, worth it naman. Minsan lang ‘yung prom.

..Kahit na hirap na hirap ako sa araw na ‘to, gusto ko siya ulitin. Masaya pala magpaganda. HAHAHA.

*Tapos na ang Seniors’ Prom. Next stop: GRADUATION.

Four-day Summary

March 13, 2009

Wala akong maisip na title, kaya pasensya.

Martes.
Wala akong maalala kung anong ginawa nung araw na ‘to. Ang naaalala ko lang ay hapon ang pasok namin. At! Ang aga kong pumasok dahil sa takot na ipagkait pa sa ‘kin yung dagdag na pag-akyat ko sa stage sa graduation. HAHA.

Miyerkules.
Pasintabi sa mga mahihina ang sikmura.*Napagod ako kakasuka sa araw na ‘to, seryoso. Lahat ng kinain ko nung araw bago yon, pati nung araw na yon ay inilabas ko. Pakiramdam ko malapit na sumunod lahat ng kalamnan ko, buti na lang at half-day kami kaya’t tiniis kong huwag muna umuwi sa bahay kahit para na ‘kong si Superman na kaharap yung Kryptonite. Dahil sa mukha na akong papel sa lahat ng tubig at electrolytes na inilabas ng katawan ko ay naghalf-day din kami sa ospital. Sinaksakan ako ng dextrose pero pinaputok muna yung ugat ko sa kanang kamay bago naisip nung nurse na may isa pa akong kamay, talino ‘di ba? Isama pa yung Laboratory nurse na kinuhanan ako ng dugo at nakadalawang turok din sa ‘kin kahit na nagdudugo na yung unang turok at nagsusumigaw na yung dugo ‘kong, “Ito na ‘yung kunin mo! Lumalabas na nga ng kusa eh!”. Malas ba ako o malas? ‘Di ko kasalanan kung manipis yung ugat ko at binayaran naman siguro bawat karayom na tinurok sa ‘kin kaya nararapat na walang marinig na angal mula sa bibig na may gas mask. Mabuti na lang hindi ako nagpa-admit kasi sabi ng kaibigan ko, nangpepera daw doon. Tsk.

Huwebes.
Panghapon ulit. Nahiya na siguro yung tiyan ko dahil sa mahal ng gamot, o natakot sa inabot ng mga ugat ko kaya hindi na siya sumakit. Nakapasok ako kaya hindi pa rin ako natatanggal sa pinaka-iingatan kong perfect attendance. HEHE. Sinabi na rin lahat ng bibigyan ng awards sa graduation at nalaman na namin kung sino yung magra-roundtrip sa stage ng ilang beses. Nalaman ko ring madadagdagan yung pagakyat ko sa stage! OHA, OHA. =)) Congrats sa lahat.

Friday.

Na-late kami ng gising, pero hindi ako na-late pumasok. Last day na ng undergraduates at ang corny dahil wala ata silang party o whatever. Wala na naman kaming ginawa, kasi lahat na lang ng naririnig at sinasabi namin: “Saan ka magpapaayos bukas?”, “Paano ka pupunta?”, “Feeling ko panget ako bukas.”, “Hindinga ako excited, eh.”. Prom na bukas, kaya magbu-beauty rest na ako. Echos!

Kbye. :*